Ipinamahagi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang 15 computer sets sa mga piling pampublikong paaralan sa bayan ng Naujan noong Marso 19, sa ginanap na turnover ceremony sa Bahay Tuklasan.
Kabilang sa mga benepisyaryong paaralan ang Apitong National High School, Malvar National High School, at San Pedro Elementary School.

Pinangunahan nina DICT Undersecretary for Support Services Heherson M. Asiddao at DICT MIMAROPA Regional Director Emmy Lou Delfin ang naturang pamamahagi.
Bahagi ito ng Project CLICK o Connected, Learning, and Inclusive Communities for Knowledge, na layong maghatid ng makabagong teknolohiya at palawakin ang akses sa digital na kaalaman para sa mga paaralan at komunidad na may limitadong resources.
Source: PIA Mindoro