Pormal nang sinimulan ng First Gen Group ang konstruksyon ng 54-megawatt Inara Solar Power Plant sa Barangay Bilog-bilog, Tanauan City noong Marso 11, 2026.
Pinangunahan nina Francis Giles Puno, Vilma Santos-Recto, at Sonny Collantes ang groundbreaking ceremony para sa proyekto na inaasahang magpapalakas sa renewable energy supply sa lalawigan.
Ang solar plant ay itatayo sa 36-ektaryang lupain at may planong palawakin hanggang 100 MW, kasama ang posibilidad ng battery energy storage system. Isasama rin dito ang agrivoltaics na magbibigay-daan sa sabayang produksyon ng kuryente at agrikultura.
Target ng proyekto na mapabuti ang serbisyo ng Batangas Electric Cooperative II at suportahan ang pangangailangan sa kuryente ng First Philippine Industrial Park.
Inaasahang matatapos ang proyekto sa loob ng 15 buwan at lilikha ng humigit-kumulang 330 trabaho sa unang yugto ng konstruksyon.
Source: PIA CALABARZON