Matagumpay na nagtapos ngayong umaga ang Palarong Bicol 2026 sa Legazpi City Convention Center, at lumabas na opisyal ang final na resulta ng kompetisyon, na nagpapakita ng kahusayan ng delegasyon ng Camarines Sur sa paragames.
Ayon sa report mula sa DWNX, nakamit ng Camarines Sur ang unang pwesto matapos masungkit ang 20 gintong medalya, 6 na silver, at 8 bronze. Pinatunayan ng resulta ang dedikasyon, galing, at determinasyon ng mga atleta mula sa lalawigan.
Sumunod sa talaan ang Lungsod ng Naga, na nagtamo ng 7 gintong medalya, 7 silver, at 13 bronze, na nagpakita rin ng mahusay na pagganap sa iba’t ibang palaro.
Ang Palarong Bicol 2026 ay nagsilbing plataporma para sa mga atleta ng rehiyon upang ipakita ang kanilang husay, lalo na sa paragames, at higit sa lahat, nagbigay-daan ito sa pagbibigay ng inspirasyon sa komunidad na may kapansanan.
Source: RMN DWNX NAGA