Pinangunahan ni Sorsogon City Mayor Ma. Ester E. Hamor ang isang pagpupulong kasama ang humigit-kumulang 1,000 city academic scholars noong Pebrero 4, 2026 sa People’s Mansion, Capitol Compound, upang ipaliwanag ang kahalagahan ng programang pang-edukasyon ng lungsod na bahagi ng 10+1+1 agenda ng kanyang administrasyon.

Ayon kay Mayor Hamor, layunin ng pagtitipon na maunawaan ng mga iskolar ang kahalagahan ng scholarship program ng lungsod, na nakatuon sa pagtulong sa mga mag-aaral na nagnanais makapagtapos ng kolehiyo ngunit kulang sa sapat na pinansyal na kakayahan. Binigyang-diin ng alkalde na ang edukasyon ay mahalagang puhunan para sa kinabukasan ng Sorsogon City.

Ipinaalala rin ng alkalde na kaakibat ng tulong-pinansyal ang mga responsibilidad ng bawat iskolar, lalo na ang pagpapanatili ng maayos na akademikong pagganap at disiplina sa kanilang mga paaralan.

Tiniyak naman ni Mayor Hamor ang patuloy at buong suporta ng pamahalaang lungsod sa lahat ng benepisyaryo ng programa, bilang bahagi ng adhikain ng kanyang administrasyon na palakasin ang kakayahan ng kabataan sa pamamagitan ng dekalidad at abot-kayang edukasyon.

Ang 10+1+1 agenda ng administrasyon ni Mayor Ma. Ester E. Hamor ay nakatuon sa komprehensibong kaunlaran, pinalakas na serbisyong panlipunan, edukasyon, at sustenable at participatory governance. Sa ilalim ng adbokasiyang #SerbisyongMayPuso, layunin ng kanyang pamumuno na maiangat ang kalidad ng buhay ng bawat Sorsoganon.

Photo Courtesy: Bicol TV Sorsogon

Source: https://www.facebook.com/PIAsorsogon/posts/pfbid08CZpcWfoXQvdSA8zA3JYqsJbrKZLK7Qb7NVhEQsKxJmoNkyCom8J6fvVp6kmVbwFl

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *