GUINOBATAN, ALBAY — Personal na tinuntun ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang Barangay Morera sa bayan ng Guinobatan upang inspeksyunin ang kasalukuyang isinasagawang road widening project sa lugar.

Kasama ni Secretary Dizon sa pagbisita sina Albay Governor Noel Ebriega Rosal, DPWH Regional Office V Director Engr. Khadaffy D. Tanggol, at Guinobatan Mayor Ann Gemma Ongjoco.

Ang kalsada sa Barangay Morera ay isa sa mga pinaka-nakararanas ng matinding trapiko sa bayan dahil sa patuloy na pagsasaayos at pagpapalawak ng daan. Layunin ng proyekto na mapabuti ang daloy ng trapiko at matiyak ang mas ligtas at maayos na biyahe ng mga motorista at residente.

Ayon kay Secretary Dizon, inaasahang matatapos ang road widening project bago sumapit ang Semana Santa upang maiwasan ang mas matinding pagsisikip ng trapiko lalo na sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero.

Tiniyak naman ng DPWH at ng lokal na pamahalaan ang patuloy na koordinasyon upang mapabilis ang proyekto habang binabawasan ang abalang dulot nito sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *