Agad na nagsagawa ng rescue at retrieval operations ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Philippine Army matapos mangyari ang isang landslide sa Barangay Bariis, Matnog, Sorsogon madaling araw ng Enero 17, 2026.

Ang insidente ay bunsod ng patuloy at malakas na pag-ulan na dala ng Bagyong Ada na nakaapekto sa lalawigan. Sa kasalukuyang ulat, dalawang (2) bangkay ang narekober ng mga awtoridad at agad na dinala sa punerarya para sa kaukulang proseso at pagkakakilanlan.

Nauna nang nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng forced evacuation noong Enero 16, 2026 sa bisa ng Executive Order No. 6, bilang paghahanda at pag-iwas sa posibleng panganib na dulot ng masamang panahon, partikular sa mga landslide-prone areas.

Patuloy ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan at mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente, magsagawa ng karagdagang assessment sa apektadong lugar, at magbigay ng kinakailangang tulong sa mga naapektuhan ng sakuna.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto, makipag-ugnayan sa kanilang barangay officials, at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan at disaster response units.

Source: https://www.facebook.com/PIAROV/posts/pfbid02qyARTRhmxrBKDDwxPV4SuXh9tg6QQuBe4eSQ1c5bV6ohN4fiSdh35vREpAHrckbhl

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *