Manila — Inihayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon nitong Lunes, Enero 12, na may mga susunod pang opisyal na masisibak sa puwesto bilang bahagi ng mas mahigpit na pagpapatupad ng “merit rules” upang matiyak ang isang mas matatag, propesyonal, at mas responsableng ahensya.

Kabilang sa mga pinatalsik sa kanilang posisyon ang apat na Regional Directors: Ronnel M. Tan ng Region 1, Jovel G. Mendoza ng Region 4A, Virgilio C. Eduarte ng Region 5, at Danilo D. Villa ng Region 7.

Tinanggal din sa puwesto ang dalawang Assistant Regional Directors mula sa Region 4B at Region 5, gayundin ang mga District Engineers ng Metro Manila 3rd District Engineering Office (DEO) at South Manila DEO.

Samantala, sinibak rin ang tatlong Officer-in-Charge (OIC) District Engineers mula sa La Union 1st DEO, Iloilo City DEO, at Leyte 4th DEO matapos mabigong makasunod sa itinakdang Civil Service Commission (CSC) qualification standards.

Ayon kay Secretary Dizon, patuloy ang isinasagawang pagsusuri sa mga opisyal at kawani ng DPWH upang matiyak na ang mga nananatili sa puwesto ay may sapat na kakayahan, integridad, at sumusunod sa pamantayan ng serbisyo publiko.

Source: Pilipinas Today
https://www.facebook.com/pilipinastoday.org/posts/pfbid02ipP1X3k399zgN8VN5cS1BCGnoMkAxZjnQndNTbNMyNzxv6m6jw4ivCFzFoBesLjtl

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *