Masiglang nakilahok ngayong umaga ng Setyembre 2, 2025 ang mga Punong Barangay ng Lungsod ng Tanauan sa isang Tree Planting Activity bilang bahagi ng pagdiriwang ng “Barangay Day 2025: Celebrating Unity, Embracing Community” na ginanap sa Brgy. Gonzales Tanauan City, Batangas.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng ABC President na si Precious Germaine M. Agojo kung saan ito ay paalala na ang tunay na serbisyo ay hindi lang nasusukat sa mga desisyong ginagawa sa loob ng opisina, kundi sa mga gawaing may direktang epekto sa kalikasan at sa susunod na henerasyon.
Sa bawat punong itinanim, kasabay nito ang panalangin para sa mas sariwang hangin, mas matatag na kapaligiran, at mas masiglang pamayanan.
Ito ay simbolo ng pagkakaisa, malasakit sa kalikasan, at pagmamahal sa komunidad. Sa bawat punong itinanim, kasabay nito ang panalangin para sa mas sariwang hangin, mas matatag na kapaligiran, at mas masiglang pamayanan.
Source: Tanauan CGTV