Naging matagumpay ang pamamahagi ng Agricultural Inputs para sa mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan ng Quezon nito lamang Agosto 30, 2025 na ginanap sa Agdangan, Quezon.
Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pagsasaalang-alang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon na nagpapakita ng pagpapahalaga sa sektor ng agrikultura na siyang pangunahing kabuhayan ng maraming mamamayan sa lalawigan.

Naipamahagi ang mga organic fertilizer, assorted vegetable seeds, at iba’t ibang kasangkapan at kagamitan sa mga asosasyon at samahan ng mga magsasaka at mangingisda, sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA)katuwang ang Provincial Assistance for Community and Sectoral Empowerment & Development Unit (PACSEDU).
Ang inisyatibong ito ay isang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng kakayahan ng ating mga lokal na magsasaka at mangingisda upang makamit ang mas mataas, mas masagana, at tuloy-tuloy na ani para sa mas maunlad na kabuhayan.
Source: Provincial Government of Quezon