Sa gitna ng pangamba at kawalan ng katiyakan na dulot ng kalamidad, tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V-Bicol Region na may ligtas at masayang espasyo para sa mga batang kabilang sa pre-emptive evacuees.
Bilang bahagi ng kanilang patuloy na tugon, inilatag ng ahensya ang isang Child-Friendly Space, isang lugar na naglalaman ng mga libro, laruan, at iba’t ibang kagamitang nagbibigay-aliw at kaalaman para sa mga kabataan kahapon lamang, Agosto 22, 2025 sa Brgy. Mauraro, Guinobatan, Albay.
Dito, muling natagpuan ng mga bata ang saya at pag-asa sa kabila ng kanilang pansamantalang pamamalagi sa evacuation center.
Sa tulong ng iba’t ibang katuwang na ahensya, higit na naging makabuluhan ang nasabing programa. Nagbigay ito ng pagkakataon sa mga kabataan na muling maramdaman ang kanilang kabataan, malayo sa takot, pangamba, at lungkot na maaaring maging dulot ng kalamidad.
Source: DSWD Field Office V