Ngiti ang nasilayan sa mga mukha ng 25 benepisyaryo ng Walang Gutom Program na dumalo at nagsanay sa paggawa ng mga produkto na Filipino embutido at skinless longganisa sa dalawang araw na Productivity Enhancement Session nitong 16-17 Agosto 2025.

Sa tulong ng TESDA Provincial Training Center-Malilipot, mas may kumpyansa sila ngayon sa kaligtasan ng kanilang pamilya pagdating sa paghahanda ng naturang mga pagkain gayong siniguro sa nasabing pagsasanay na hindi nila kailangang gumamit ng MSG upang pasarapin ang mga pagkain.

Sa pamumuno ni Regional Director Norman S. Laurio, naisakatuparan din ang nakaraang Productivity Enhancement Session sa 22 piling benepisyaryo mula Sto. Domingo, Albay nitong 10-11 Agosto 2025, na natuto sa kaparehong kasanayan.

Ang aktibidad na ito ay dagdag tulong upang masiguro na hindi lang magtatapos sa buwanang supply ng pagkain ang pagsasabuhay nila ng malusog at mas masaganang pamumuhay.

Source: DSWD Field Office V

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *