Nagsagawa ng murang pagkakapon at libreng anti-rabies vaccination para sa mga alagang aso at pusa ang Pamahalaang Bayan ng San Mateo noong Agosto 16, 2025 sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office (MAO).

Katuwang ng MAO sa naturang aktibidad ang San Mateo Rizal Animal Welfare Office, Stray Neuter Project, at mga volunteer students mula sa De La Salle Araneta University.

Layon ng programa na mabigyan ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan ang mga alagang hayop at maiwasan ang pagdami ng mga aso at pusang gala sa komunidad. Kabilang din sa layunin nito ang pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko laban sa rabies.

Maraming residente ang nakiisa at nagdala ng kanilang mga alaga upang makinabang sa serbisyong handog ng lokal na pamahalaan.

Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng San Mateo sa pagpapatupad ng mga programang nakatuon hindi lamang sa kalusugan ng mamamayan kundi maging sa kapakanan ng kanilang mga alagang hayop.

Source: San Mateo Rizal Public Information Office FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *