ODIONGAN, Romblon — Nagkaloob ang Department of Labor and Employment (DOLE), katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Romblon, ng pangkabuhayang tulong sa 58 magulang ng mga dating child laborers upang mapalakas ang kabuhayan ng kanilang pamilya at maiwasan ang pagbabalik ng mga bata sa paggawa.

Sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP), tumanggap ang mga benepisyaryo ng iba’t ibang livelihood starter kits tulad ng mga refrigerator at kagamitang pangkusina, kagamitan sa pagproseso ng marmol, makinang panahi, bangkang pangisda, makina ng bangka, at iba pang kagamitan na angkop sa kanilang napiling hanapbuhay.

Ayon sa DOLE, layunin ng programa na mapabuti ang kalagayang pangkabuhayan ng mga pamilya at matiyak na ang mga batang dating nasa child labor ay mananatili sa paaralan at patuloy na mapoprotektahan.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *