Sa Lungsod ng Tanauan, patuloy ang pagkilos ng lokal na pamahalaan upang maisakatuparan ang pangako nitong maitaguyod ang dekalidad na edukasyon para sa bawat batang Tanaueño. Pinatunayan ito sa inilunsad na programa ng pamamahagi ng libreng libro at learning materials para sa mga Child Development Learners sa iba’t ibang Barangay at Child Development Centers ng lungsod.

Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, katuwang si Vice Mayor Dodong Panganiban Ablao at ang buong Sangguniang Panlungsod, gayundin ang masipag na team ng Tanauan Local Social Welfare and Development Office (LSWDO) sa pamumuno ni Ms. Iea Joy Lira, at ang dedikadong mga Child Development Teachers, matagumpay na sinimulan nitong Hulyo 29 ang unang batch ng pamamahagi ng CDC Books.

Layon ng programang ito na palawigin ang kaalaman ng mga bata at higit na mapagaan ang gastusin ng mga magulang sa edukasyon. Tampok sa mga libreng aklat ang Children’s Activity Sheets na sumasaklaw sa mahahalagang asignatura tulad ng Matematika, Agham, Ingles, at Pagsulat.

Ang programang ito ay isang patunay ng tunay na malasakit at pagtutok ng lokal na pamahalaan sa kinabukasan ng kabataan.

Sa pagbubukas ng bagong taong panuruan, kasabay ng mga bagong libro ay ang panibagong pag-asa para sa mas maliwanag na bukas ng mga batang Tanaueño.
Sa Tanauan, ang edukasyon ay hindi lamang serbisyo — ito ay isang pangakong tapat na tinutupad.

Source: Tanauan CGTV FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *