Sama-samang nakiisa ang iba’t ibang tanggapan ng gobyerno sa pagdiriwang ng Arbor Day 2025 sa Barangay Rizal, Odiongan, Romblon ngayong Hulyo 29, 2025.

Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang kamalayan sa kahalagahan ng pagtatanim ng puno para sa kalikasan at komunidad.

Kabilang sa mga lumahok ang BIR at DA Romblon Field Offices, Odiongan Coast Guard, at mga tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon tulad ng Don Modesto Formilleza Sr. Hospital, Provincial Health Office, Environment and Natural Resources Office, at iba pa.

Matapos ang programa, nagtanim ng mga punla ang mga kawani at volunteer bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng probinsya laban sa climate change.

Nanawagan ang mga opisyal sa publiko na makiisa sa mga gawaing pangkalikasan upang mapangalagaan ang kapaligiran para sa susunod na henerasyon.

Source: Romblon Provincial Information Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *