Matagumpay na nakapag-redeem ang mahigit 500 benepisyaryo mula Calabanga, Goa, at Pasacao, Camarines Sur sa isinagawang Food Redemption Activity ng Walang Gutom Program ng Department of Social Welfare and Development Field Office V – Bicol Region ngayong araw, Hulyo 3, 2025.

Binubuo ito ng 182 benepisyaryo mula Calabanga; 159 sa Goa; 73 sa Pasacao; habang 88 benepisyaryo din ang naitalang nakatanggap na sa Lupi mula sa isinagawang redemption kahapon.

Labis ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa natanggap na mga pagkain na tiyak na mas makatutulong sa pagpapaunlad ng kanilang kasulugan lalo na’t ipinagdiriwang din ang buwan ng nutrisyon ngayong Hulyo.

Sa kasalukuyan, tinatayang aabot na sa 1,600 ang nakatanggap ng kanilang food baskets sa nasabing lalawigan para sa buwan ng Hulyo at inaasahan pang madagdagan ito ng mahigit 330 sa isasagawang food redemption bukas, Hulyo 4, 2025 sa Ragay, Camarines Sur.

Source: DSWD Field Office 5-Bicol Region

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *