Muling nagningning ang diwa ng kabayanihan sa ikalawang Gov. Ramil L. Hernandez Arnis Cup noong Mayo 24, 2025 na ginanap sa Laguna Sports Complex.
Pinatunayan ng mahigit 700 kabataang mandirigma mula sa 41 koponan na buhay at patuloy na umuusbong ang pagmamahal sa sining ng Arnis sa puso ng kabataang Pilipino.
Sa tulong ng Provincial Sports and Games Development (PSGDO) at Philippine Eskrima Kali-Arnis Federation (PEKAF), naging tagumpay ang paligsahan na hindi lamang nagbigay ng tropeo at medalya, kundi pag-asa at inspirasyon sa susunod na henerasyon.
Source: Laguna PIO