Matagumpay na isinagawa ang Entrepreneurial and Digital Marketing Training para sa mga miyembro ng Sustainable Livelihood Program (SLP) Associations ng Barangay B. Del Mundo, Mansalay, Oriental Mindoro nito lamang ika-23 ng Mayo 2025.
Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Department of Trade and Industry – Oriental Mindoro sa pamamagitan ng Negosyo Center Mansalay, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Local Government Unit – bilang suporta sa patuloy na pag-unlad ng kabuhayan ng mga SLP beneficiaries.
Layunin ng pagsasanay na matulungan ang mga benepisyaryo na mag-level up mula sa tradisyunal na pagbebenta patungo sa mas makabago at mas malawak na pag-abot sa merkado sa pamamagitan ng online platforms.
Source: Negosyo Center Oriental Mindoro