Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pamamagitan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO), sa paggunita ng International Day of Biodiversity at Month of the Ocean 2025 na ginanap sa RRM DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City nito lamang ika-26 ng Mayo taong kasalukuyan.

Ang naturang aktibidad ay may temang “Unlock the Ocean-Based Solution to Climate Change: Karagatan ang Solusyon” na naglalayong itaguyod ang kahalagahan ng karagatan bilang mahalagang bahagi ng solusyon sa pagbabago ng klima.

Ginawaran ng pagkilala ang mga dating Marine Protected Area (MPA) Lead Persons, Bantay Dagat Coordinators, at chairpersons mula sa iba’t ibang distrito ng Lalawigan ng Batangas kung saan ipinahayag ang pasasalamat sa kanilang mahalagang ambag at dedikasyon sa pangangalaga ng kapaligiran at likas yaman, lalo na sa pagpapanatili ng kasaganaan ng karagatan sa lalawigan.

Source: Batangas PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *