Matagumpay na isinagawa ang ‘Pagpinta sa Diwa ng Moryon’ bilang pakikiiisa sa pagdiriwang ng National Heritage Month, na ginanap sa National Museum of the Philippines sa Boac, Marinduque nito lamang ika-26 ng Mayo 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Anthony Jandusay na tumayong lecturer at workshop facilitator kung saan ito ay dinaluhan ng mga mag-aaral, guro at mga local artist.

Layunin nitong maipakita at mapanatili ang makulay na kultura, pananampalataya, at kasaysayan ng Moriones Festival sa pamamagitan ng sining.

Source: Marinduque News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *