Nagpakitang-gilas ang koponan ng CALABARZON matapos talunin ang Region 10 sa iskor na 7-3 sa Elimination Round ng Secondary Baseball Category sa Palarong Pambansa 2025.
Ang mga manlalarong nagtagumpay para sa CALABARZON ay kinatawan ng Tanauan Baseball Team, na kasalukuyang isinusulong ang laban sa Bacarra, Ilocos Norte para sa inaasam na kampeonato sa Palarong Pambansa 2025.

Isang taos-pusong pagbati ang ipinaabot sa Tanauan Baseball Team sa kanilang tagumpay at matibay na depensa at opensa ang naging sandigan ng panalo ng rehiyon.
Patuloy na magsisilbing inspirasyon ng mga Tanaueño sa larangan ng isports.
Source: Tanauan CGTV