Matagumpay na isinagawa ng Remote Area Medical-Philippines (RAM) ang medical mission na ginanap sa Barangay Mangsee, Balabac, Palawan nito lamang ika-23 ng Mayo 2025.

Naisakatuparan ang aktibidad sa pakikipagtulungan sa Western Command at opisyal ng naturang barangay. Mahigit 500 ang naging benepisyaryo at patuloy ang pagdagsa ng mga residente ng isla upang makatanggap ng libreng serbisyong medikal.

Hatid ng organisasyon ang iba’t ibang serbisyo gaya ng konsultasyon, operasyon, physical therapy, ophthalmology, OB-Gynecology, bunot ng ngipin, tuli, at pamamahagi ng gamot.

Layunin ng aktibidad na mapabuti ang kalusugan ng mga mamamayan, mabigyan ng access sa pangunahing serbisyong pangkalusugan, at maiwasan ang paglala ng mga karamdaman lalo na sa mga liblib na lugar.

Source: PalawanNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *