Matagumpay na isinagawa ang isang Job Fair na inorganisa ng lokal na pamahalaan ng Odiongan katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) Romblon sa Odiongan Covered Court nito lamang ika-3 ng Abril 2025.

Ayon sa Odiongan Public Employment Service Office (PESO), bukas ang job fair para sa mga naghahanap ng trabaho, kabilang ang mga high school at Alternative Learning System (ALS) graduates, mga nagtapos sa vocational schools, at college graduates.

May kabuuang 11 pribadong ahensya ang lumahok sa job fair, kabilang ang ilang lokal na kumpanya na nag-aalok ng iba’t ibang trabaho. Maliban sa mga employer, dumalo rin ang iba pang ahensya ng gobyerno tulad ng PhilHealth, TESDA, at Philippine Statistics Authority (PSA) upang tumulong sa pagproseso ng mga kinakailangang dokumento ng mga aplikante.

Layunin ng aktibidad na ito na magbigay ng pagkakataon sa mga job seeker na makahanap ng trabaho at makipag-ugnayan sa mga kumpanya o employer na naghahanap ng mga bagong empleyado.

Source: PIA Romblon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *