Naisakatuparan ang pagbubukas ng 2025 Agri-Trade Fair bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-178 Anibersaryo ng Odiongan na isinagawa sa Romblon nito lamang ika-1 ng Abril 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Lokal na pamahalaan at nilahukan ng iba’t ibang barangay na naturang bayan at ilang pribadong indibidwal.
Nakilahok din ang Department of Trade and Industry at naglatag ng kanilang One Town One Product booth sa lugar.
Nag-display din ng produkto ang mga taga-ibang bayan kagaya ng mga marble mula sa Romblon, Romblon.
Ang trade fair na ito ay naglalayong ibida sa publiko ang mga lokal na produkto ng mga magsasaka sa bayan ng Odiongan.
Source: Romblon News Network