Tiniyak ng Department of Health (DOH) CALABARZON na mananatiling tuluy-tuloy ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa rehiyon kahit magkaroon ng pagkawala ng kuryente dulot ng anumang emergency o sakuna.

Ayon sa ahensya, kasalukuyan nang kinokolekta at sinusuri ang contingency plans ng mga health facility upang matiyak ang kahandaan ng mga ito, lalo na sa pagpapanatili ng cold chain system para sa mga bakuna at iba pang mahahalagang gamot at medical supplies.

Inatasan din ng DOH CALABARZON ang mga ospital at iba pang health facility na tiyaking mayroong standby power supply o generator sets na kayang magbigay ng kuryente nang hanggang tatlong araw upang hindi maantala ang operasyon at serbisyong pangkalusugan.

Nakaalerto rin ang mga local health office at Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) offices sa buong rehiyon upang agad na makapagbigay ng kinakailangang suporta at responde sa oras ng emergency.

Patuloy namang hinihikayat ng DOH ang mga health facility na paigtingin ang kanilang paghahanda upang masiguro ang kaligtasan at maayos na serbisyong medikal para sa publiko sa anumang sitwasyon.

Source: Batangas News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *