Matagumpay na binuksan ang “Sulyap: Katotohanan sa mata ng kabataan” Photo exhibit na ginanap sa Activity Center ng NCCC Mall Palawan nito lamang ika-15 ng Marso 2025.

Ang naturang aktibidad ay inorganisa ng Roots of Health katuwang ang Photo Voices International.

Tampok dito ang mga kuhang larawan ng 13 kabataan o youth advocate na may iba’t ibang tema ng mga isyu sa lipunan gaya ng child labor, mental health, teen pregnancy, sanitation, women’s health at iba pa.

Layunin nitong ipakita at ipahayag ang iba’t ibang kwento, kultura, at emosyon sa pamamagitan ng potograpiya, upang bigyang-pansin ang kahalagahan ng sining at pagpapahayag ng pananaw ng mga potograpo.

Source: The Palawan Times

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *