Matagumpay na isinagawa ang aktibidad na tinatawag na “A Day of Sharing and Healing: A Gift Giving and Tree Planting Activity” sa Narra, Palawan nito lamang ika-17 ng Marso 2025.
Ito ay pinangunahan ng Philippine Eagles Palawan Region katuwang ang Rotary Club of Narra at ang Rotary Club of Makati, CitiNickel Mines and Development Corporation at Cutting Edge Builders and Trading, Inc.
Ito rin ay dinaluhan ng 100 miyembro mula sa 6 na magkakaibang Palawan Region Club na nagbigay ng relief goods sa 250 na Tagbanua na pamilya ng Sitio Boong sa Barangay Dumaguena.
Nagsagawa ang grupo ng tree planting activity kung saan nakapagtanim ng 1,000 seedlings sa lugar malapit sa Manggahan River ng Sitio Boong, Barangay Dumaguena, Narra, Palawan sa pagsisikap na makatulong sa reforestation program ng PCSDS, DENR at MENRO.
Layunin nitong aktibong isulong ang community service para matupad ang mandato ng “Alalayang Agila” at maging tunay na Eagle Kuya, Eagle Ate at Eagle Bunso ng mga komunidad sa Palawan na nagtataguyod ng pagmamahal sa Diyos, Bansa, Kalikasan at Pamilya.
Source: Thunder News Philippines