Matagumpay ang isinagawang “Social Assistance Program Payout 2024” na ginanap sa Lungsod ng Calapan, nitong ika-17 hanggang ika-20 ng Disyembre 2024.

Ang aktibidad ay isinakatuparan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo at ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Department, katuwang ang City Treasury Department.

Nasa kabuuang 6,416 non-pensioner senior citizens na Calapeño mula sa 62 Barangay sa lungsod ang napagkalooban ng naturang tulong pinansyal, kung saan Php2,000 ang natanggap ng bawat isa sa kanila.

Patuloy na umaarangkada ang administrasyong Morillo sa pagkakaloob ng tulong para sa mga mamamayang Calapeño, upang masiguro na nabibigyang pansin ang lahat ng sektor na dapat ay napagkakalooban ng tamang suporta at pagpapahalaga mula sa pamahalaan.

Source: Tatak Calapeño

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *