Matagumpay na nagsipagtapos ang unang batch ng Step-Up Entrepreneurship Development Program sa Quezon Convention Center nitong ika-9 ng Disyembre 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan at ni PLGU Quezon Project Development Officer III, Lawrence Joseph Velasco.

Nabigyang parangal ang Top 10 Best Presenters sa business pitching, kung saan ang Philippine Trade Training Center (PTTC) ang magbibigay tugon para sa mga packaging design bilang suporta sa kanilang mga negosyo.

Dinaluhan ito ng 52 na estudyante mula sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena (DLL) na kumukuha ng kursong Entrepreneurship, kasama ang 50 Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs).

Matatandaan na sinimulan ang programang ito na 15 days training noong Oktubre 22 na may layon na i-angat ang antas ng pagnenegosyo ng mga MSMEs at natapos naman nitong Nobyembre 15.

Ipinagkaloob sa mga kalahok ng programa ang mga benepisyong tulad ng libreng Packaging Design, Negosyo Kits, Business Pitching Opportunity, at Exposure sa mga Trade Fairs.

Bilang karagdagan, nakatanggap ang mga MSMEs ng livelihood assistance, collapsible kiosk, mga tents, at heavy-duty chairs na magagamit nila sa kanilang mga negosyo.

Layunin ng programa na magbigay ng mas malawak na kaalaman at oportunidad sa mga kabataan na nais tahakin ang larangan ng pagnenegosyo.

Source: Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *