Masaya at makulay ang naging pagdiriwang ng Elderly Filipino Week National Celebration sa pakikiisa ng San Mateo Rizal na ginanap sa Divine Mercy, Barangay Guitnang Bayan 1 nito lamang ika-1 ng Oktubre 2024.

Nagkaroon ng tree planting activity, pamper day at medical mission kung saan makikita sa mga mukha ng mga lolo at lola ang saya na hatid para sa kanila.

Inaasahan naman na magpapatuloy pa hanggang sa matapos ang unang linggo ng Oktubre ang mga programang laan para sa mga senior citizens, mula sa Pamahalaang Bayan, katuwang ang San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Layunin ng aktibidad na iparamdam sa mga lolo at lola na sila ay mahalaga.

Source: San Mateo Rizal PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *