Naging matagumpay ang isinagawang Search and Rescue (SAR) Operation ng Coast Guard Sub-Station Pilar sa MBCA LGU Monreal-3 na may lulan ng 12 indibidwal sa karagatang bahagi ng Brgy. San Antonio, Pilar, Sorsogon nitong Oktubre 1, 2024.

Sa ulat, galing sa Monreal, Masbate ang nasabing motorbanca nang magkaroon ng aberya ang kanilang makina dahilan para bigla itong tumigil sa karagatan na may humigit kumulang na 1.5 nautical miles ang layo mula sa Barangay San Antonio Sapa, Pilar, Sorsogon.

Maswerteng agad na tumungo sa lugar ang mga tauhan ng CGSS Pilar at nailigtas ang 12 sakay ng bangka.

Paalala ng Philippine Coast Guard (PCG) mag-ingat at siguraduhin na nasa maayos na kalagayan ang mga sasakyang pandagat bago maglayag upang maiwasan ang anumang aberya o aksidente sa karagatan lalong lalo na sa masamang panahon o bagyo.

Source: CGS Sorsogon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *