Matagumpay na naipamahagi ang pay-out ng mga estudyanteng lumahok sa Special Program for the Employment of Students (SPES) sa pagtutulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro sa PGO San Jose sub-office nito lamang ika-8 ng Agosto 2024.

Dinaluhan ang aktibidad ni Governor Ed Gadiano kasama sina Ms. Ara Rojas-Salgado, Assistant ng PGO SAMARICA PESO, Mr. Jun Camandang, Focal Person ng PGO SAMARICA Municipal and Barangay Affairs Office, at Ms. Guia Manelle Camandang, Secretary to the Governor ng PGO SAMARICA. Naging bahagi rin ng okasyon ang mga kawani ng Provincial Treasurer’s Office.

Labing-walong (38) indibidwal ang nakatanggap ng kanilang sahod na bahagi ng kanilang part-time na trabaho sa ilalim ng programa. Binigyang diin ni Gov. Ed ang kahalagahan ng paggamit ng natanggap na pera sa kanilang pag-aaral, tulad ng pagbili ng mga kagamitang makatutulong sa kanilang edukasyon.

Ang nasabing pay-out ay binubuo ng 60% na bahagi mula sa Pamahalaang Panlalawigan, habang ang 40% ay manggagaling sa Department of Labor and Employment (DOLE), na kanilang makukuha sa Palawan Pawnshop.

Sa pamamagitan ng pay-out na ito, inaasahan na magagamit ng mga estudyante ang natanggap nilang pera sa pagbili ng mga gamit o pangangailangan sa kanilang pag-aaral, na magpapagaan sa kanilang mga gastusin sa eskwela.

Source: PIO Occidental Mindoro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *