Labis ang kasiyahan ng mga mag-aaral ng Wawa Elementary School sa isinagawang Brigada Eskwela 2024 Kick-off nito lamang ika-8 ng Agosto 2024.

Pinagkaloob sa mga batang Rizalenyo ang set ng school supplies tulad ng envelope, pad paper, pencils, krayola, kasama rin ang hygiene kits na naglalaman ng toothbrush, toothpaste, tissue, sabon, at alcohol.

Namahagi din ng mga bagong walis at dust pan para makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa bawat paaralan.

Ang programang ito ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal ay inisyatibo ni Governor Nina Ynares kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si Mia Ynares, katuwang ang Wawa JVCo & Prime Infrastructure Foundation.

Layunin ng akitibidad na patuloy ang bayanihan para sa matatag na paaralan, para sa mga kabataan.

Source: Nina Ynares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *