Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite ay aktibong namahagi ng mga relief package sa mga pamilyang nakatira malapit sa baybayin na apektado ng Bataan oil spill nito lamang ika-1 ng Agosto 2024.
Pinangunahan ng mga lokal na opisyal at iba’t ibang departamento ng pamahalaan ang pamamahagi ng relief, kabilang na ang bigas at mga de-lata.
Isinagawa ang operasyon sa buong suporta ng Office of the Provincial Governor, Office of the Provincial Social Welfare and Development Office at iba pang mga kawani ng gobyerno.

Personal na pinangasiwaan ni Provincial Administrator Rodel Vincent T. Bae, ang inisyatibo at pagsisikap na mabilis na maihatid ang tulong at pagbibigay ng agarang aksyon sa gitna ng krisis.
Tinatayang 2,196 na benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong sa nasabing programa.
Pangunahing prayoridad ng pamahalaan na siguraduhin ang kaligtasan at makapagbigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga residente na naapektuhan ng nasabing sakuna.
Source: Cavite PIO