Nagsagawa ng inspeksyon si PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. upang matiyak ang seguridad sa mga lugar na may kaugnayan sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes, Hulyo 27.

Nauna nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na wala silang namo-monitor na anumang banta sa seguridad. Sa kabila nito, nananatiling alerto ang kapulisan at ipinagpapatuloy ang mga hakbang pangseguridad upang matiyak ang mapayapa, maayos, at ligtas na pagsasagawa ng taunang SONA ng Pangulong Marcos.

Source: ABS-CBN News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *