Mahigit 200 displaced o seasonal workers mula sa mga bayan ng Looc at Lubang ang natulungan sa pamamagitan ng TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) Livelihood Assistance program nito lamang Agosto 1, 2024 sa Lubang Island, Occidental Mindoro.

Ang programang ito ay naglalayong magbigay ng pansamantalang hanapbuhay sa mga manggagawang naapektuhan ng kalamidad at iba pang sitwasyon.

Kasama ang Department of Labor and Employment (DOLE), nagtungo ang District Team sa Lubang Island upang magsagawa ng TUPAD Orientation para sa mga benepisyaryo.

Layunin ng TUPAD na magbigay ng dagdag kita sa mga displaced o seasonal workers tulad ng mga magsasaka at mangingisdang apektado ang hanapbuhay.

Sa pangunguna ni DOLE TUPAD Coordinator Mark Kevin Publico, katuwang sina Congressman Odie Tarriela, Gobernador Ed Gadiano, Pangalawang Gobernador Diana Apigo-Tayag, Looc Mayor Marlon Dela Torre at mga opisyal ng LGU, Lubang Vice Mayor Boyet Guimba, Mr. Chito Tangi ng PGO Lubang, PESO Cynthia Dianzon, Lubang SB Jackie Laudato, Mr. Leo Tristan bilang Looc Focal Person, at Congress District Head para sa MAPSSA na si Mr. Zernan Toledo, naging matagumpay ang oryentasyon at pamamahagi ng tulong.

Ang TUPAD Livelihood Assistance ay inaasahang magpapatuloy upang mas marami pang manggagawa ang matulungan at mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng kabuhayan.

Ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino sa Occidental Mindoro.

Source: Ok si Cong. Odie F. Tarriela

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *