Tuluy-tuloy ang libreng serbisyong medikal ng Ako Bicol Partylist para sa mga kababayang lubos na nangangailangan sa isinagawang Tarabangan Caravan sa Libon Community College, Libon, Albay.

Nasa 300 na residente ang nakapag-avail ng libreng medical check-up at gamot mula sa Tanchuling General Hospital, libreng gupit, masahe, manicure at pedicure mula sa Eve Gate Academy at naglunsad din sila ng demo training para sa mga nais matuto nito.
Ang Gardenia Bakeries Philippines Inc. ay naghandog ng libreng tinapay habang ang Clean The World ay namahagi ng libreng sabon.
May wheelchair ding ipinagkaloob ng Free Wheelchair Mission (FWM) at Children International Philippines Inc. sa mga piling benepisyaryo.

Ang Tarabangan Caravan ay hatid din ng Beybi Ko, Freeda Napkin, Kabarro, Taichi, at Mogu Mogu, at suportado rin ng Philippine Army, Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), at Philippine National Police (PNP).
Nagpapasalamat ang Ako Bicol PartyList kay Libon Mayor Das Maronilla sa suportang ipinakita sa nasabing aktibidad.
Source: Ako Bicol Party List