Matapos humagupit ang bagyong Carina, isa na namang hamon ang dumating nang magkaroon ng sunog sa Sitio Burol, Purok 15 Valle Compound Barangay San Juan, Taytay, Rizal noong ika-28 ng Hulyo 2024.

Nasa humigit kumulang 50 pamilya o mahigit 200 na indibidwal ang inilikas at naapektuhan ng sunog at pansamantalang nasa Evacuation Site sa Barangay San Juan Covered Court.
Ang mga nasunugan ay pinagkalooban ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng unan, kumot, hygiene kit, sleeping mats, hot meals at food packs.

Sa tulong ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng MSWD, MDRRMO, Command Center, mga Emergency Response Unit lalo na ang BFP, agad na naapula ang sunog at walang naitalang casualty.
Ang Pamahalaang Bayan kasama ang 12th Sangguniang Bayan ay laging nakaagapay sa kanilang mga nasasakupan lalo na sa oras ng pangangailangan.

Ang pagkakadapa o pagkakalugmok ay hindi simbolo ng kahinaan o kawalan ng pag-asa bagkus, anumang hamon ang dumating harapin ng buong puso at pagiging positibo sa buhay.
Source: Taytay PIO