Patuloy ang pamamahagi ng DSWD Field Office 5 (Bicol Region) ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Carina (Habagatoon) sa barangay ng Sorsogon City, Sorsogon, nito lamang Hulyo 27, 2024.

Mahigit Php2.3 milyong halaga ng Family Food Packs (FFPs) ang naipamahagi sa 3,390 pamilya sa 10 apektadong barangay ng Sorsogon City, Sorsogon.
Sa kasalukuyan, ang Field Office ay patuloy na nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan upang masuri at masubaybayan ang sitwasyon ng mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

Sa pamumuno ni Regional Director Norman Laurio, tinitiyak ng DSWD Bicol ang mabilis at mahusay na pagtugon sa mga pamilya at indibidwal na apektado ng bagyo at habagat sa rehiyon.
Source: DSWD Bicol