Isang makabuluhan na araw ang lumipas sa Lungsod ng Tanauan nito lamang ika-27 ng Hulyo 2024, dahil sa isinagawang Free Hearing Assessment at Free Hearing Aids para sa mga persons with disabilities.

Espesyal na programa ang handog ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang iba’t ibang organisyon kabilang ang Alpha Phi Omega Tanauan Alumni Association, Pambansang Kapisanan ng mga may Kapansanan ng Pilipinas, Audiby Hearing Aid Center, DBF Prosthesis and Braces, Ambagan PH, Organization of PWD – Tanauan City at Women With Disability para sa ating mga kababayang PWDs.

Sa tulong ng PWD Mega Community Project Partnership na inilunsad ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Tanauan sa pamumuno ni Mr. Alex Lanting katuwang ang City Social Welfare and Development Office at Gender and Development Office ay matagumpay na naisagawa ang nasabing aktibidad.
Layunin ng programa na patuloy na pangalagaan ang ating mga kababayang may kapansanan at karamdaman upang maiparamdam na palaging kaagapay ang Pamahalaang Lungsod para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Source: Tanauan CGTV