Sa pamamagitan ng flagship program na Alay Eskwela, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte ay namahagi ng school supplies sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte nito lamang ika-23 ng Hulyo 2024.

Kabilang sa benepisyaryo ng mga gamit ay ang mga mag-aaral na bahagi ng Jose Panganiban East District Elementary Schools pati na rin ang Calogcog ES, Jose Panganiban ES, Luna ES, Osmeña ES, Parang ES, Regino A. Yet ES, Roman V. Heraldo ES, San Mauricio ES, San Rafael ES at Segundo Aguirre ES.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Community Affairs Office (CAO) sa ilalim ng tanggapan ng Gobernador at naipamahagi ng nasa 6,622 na sets ng school supplies.

Asahan rin ang iba pang iskedyul ngayong linggo at sa susunod na buwan para sa tuloy-tuloy na pamamahagi ng school supplies sa pamamagitan ng programang Alay Eskwela.

Source: Camarines Norte PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *