Makasaysayang Solemn Declaration ng Minor Basilica at Parish of St. John the Baptist ang isinagawa sa Taytay, Rizal.

Ito ay ang kauna-unahang itinalagang Minor Basilica sa ilalim ng Diocese ng Antipolo sa Lalawigan ng Rizal, at ika-23 sa buong Pilipinas.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni His Eminence Jose F. Cardinal Advincula Jr. D.D, Arsobispo ng Manila, ang proklamasyon ng Dicastery of the Divine Worship and the Discipline of the Sacraments Roman Catholic Diocese ng Antipolo.

Ikinagalak ng maraming deboto ang pagkakaproklama sa Parish of St. John the Baptist bilang kauna-unahang Minor Basilica, ito ay isang karangalan at ang pangunahing layunin ng simbahan ay mas mapalalim pa ang pananampalataya ng mga mananampalataya na nagtutungo sa nasabing simbahan.
Source: Rizal PPO