Naisakatuparan ang Project RAMDAM Field Simulation ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office nito lamang ika-4 ng Hulyo 2024.

Ang pagsasanay ay sinimulan buhat sa paglilikas ng 25 pamilya mula sa bayan ng San Nicolas patungo sa itinakdang evacuation area sa Barangay Laurel, San Pascual, Batangas kung saan isinagawa ang profiling, pamamahagi ng relief goods at pagtatakda ng kanilang pansamantalang tutuluyan.

Katuwang sa nasabing aktibidad ang Pamahalaang Bayan ng San Nicolas at San Pascual, sa pangunguna ng kani-kanilang mga MSWDO at MDRRMO, at Geographic Innovations for Development Solutions, Inc. (GRiDs).

Layunin ng naturang programa na sa panahon ng sakuna ay magkaroon ng maayos na paglilikas, pagsusubaybay, pamamahagi ng relief goods, pamamahala at pagpapaabot ng tulong sa mga apektadong mamamayan.
Source: Batangas PIO