Nakiisa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol sa selebrasyon ng Philippine Arbor Day katuwang ang Society of Filipino Foresters, Inc. (SFFI) Bicol Chapter sa pamamagitan ng pagsagawa ng simultaneous tree-growing activity sa Barangay San Francisco, Legazpi City, nito lamang Hunyo 25, 2024.
Nilahukan ang aktibidad ng mga tauhan ng Professional Regulation Commission (PRC) Region 5, City Environment and Natural Resources – Legazpi City, Barangay Local Government Unit (LGU) of San Francisco, Legazpi City, Coast Guard District Bicol (CGDBCL), at Bureau of Fire Protection (BFP) Region 5.

Layunin ng aktibidad na panatilihin at pangalagaan ang ating kalikasan para sa mga susunod na henerasyon.
Nasa 600 seedlings ng Balitbitan, Narra, Sambulauan, Bitaog, Dao, Santol, Kupang at Lamog ang naitanim ng 211 volunteers sa aktibidad.
Source: DENR Bicol