Ipinamahagi ang Emergency Shelter Assistance (ESA) para sa mamamayan ng Dolores, Quezon sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Senator Lorna Regina “Loren” Bautista Legarda sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.

Umabot sa 698 na benificiaries ang nabigyan ng lingap ng Nasyunal at Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer Office (PTO) kung saan 589 mula rito ay bahagyang nasalanta at 59 sa mga ito ay lubos na nasalanta ng bagyong Aghon.

Nabigyang lingap rin ang 50 dialysis patients bilang tulong sa kanilang suliraning pinansyal para sa kanilang agarang pagpapagamot.

Patuloy ang pagbibigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng nararapat na tulong at serbisyo para sa bawat Quezonian lalo’t higit sa oras ng kanilang matinding pangangailangan.

Source: Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *