Nag-uumapaw ang biyayang natanggap ng mga Tanaueño matapos bumisita si Sen. Bong Go upang personal na iabot kina Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at buong Sangguniang Panlungsod ang bagong ambulansya, grocery packs, DOLE TUPAD para sa Lungsod ng Tanauan.

Kabuuang 500 Tanaueño ang nabigyan ng pansamantalang trabaho sa ilalim ng programang DOLE TUPAD at magiging katuwang ng lokal na pamahalaan sa paglilinis ng kanilang barangay.
Type 1 Ambulance and Equipment naman ay handog upang agarang matugunan ang mga kababayang nangangailangan ng medikal na atensyon.

Grocery packs at gamit pambahay naman ang ibinahagi na tugon sa mga kababayang nasunugan sa Purok 1 Barangay Trapiche, Tanauan City, Batangas.
Personal namang naghatid ng sports equipment, sapatos at bike ang actor na si Philip Salvador.
Ang mga ganitong aktibidad ay naglalayong matulungan ang mga kababayang lubos na nangangailangan at nagpapakita ng pag-asa na sa kabila ng hamon ng buhay may mga taong handang magbigay ng tulong at suporta.
Source: City Government of Tanauan