Naisakatuparan ang Ceremonial Destruction ng laboratory instrument at equipment na nakalagak sa shabu laboratory ng Barangay Palta Small, Virac, Catanduanes nito lamang Mayo 29, 2024.

Pinangunahan ni DOJ ASEC. Eliseo DC Cruz, ang aktibidad kasama sina Region V PDEA Regional Director, Dir III Edgar T Jubay at Police Regional Office 5, Regional Director, PBGen Andre P Dizon.

Una nang nagkaroon ng kasunduan sa pamamagitan ng MOA Signing sa pagitan ng PDEA, PNP at Narking Junkshop noong Mayo 28, 2024, para sa isasagawang aktibidad.

Kasama sa isinagawang Ceremonial Destruction ang lokal na pulisya na pinangungunahan ni Provincial Director, PCol Rayan V Ador, Provincial Director, media, kinatawan mula Makati RTC Court, Barangay Officials ng Barangay Palta at personahe mula sa BFP.

Matatandaang November 2016 nang madiskubre at isailalim ng kapulisan at PDEA ang pagproseso sa shabu laboratory kung saan kabilang sa mga nasamsam ang drum drum na precursor at iba pang kemikal at mga aparatu katulad ng hydrogenator at iba pang laboratory equipment.

Ang PNP ay patuloy sa hangarin na linisin ang rehiyon katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang makamit ang isang drug free na rehiyon tungo sa pagsulong ng Bagong Pilipinas.

Source: Catanduanes PPO

Panulat ni Pat Rodel Grecia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *