Matagumpay na naipamahagi ang tulong pinansyal para sa magsasaka ng Lungsod ng Tanauan sa pamamagitan ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program o AKAP.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. katuwang sina House Speaker Martin Romualdez, Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Mayor Sonny Perez Collantes.

Kabuuang 802 na mga magsasaka mula sa ikatlong Distrito ng Batangas ang nabiyayaan ng naturang programa.

Nakiisa rin sa nasabing aktibidad sina CWCC President Atty. Cristine Collantes at Atty. King Collantes na kabahagi rin ng Pamahalaang Lungsod para sa pagbababa ng iba’t ibang programa ng ating Pamahalaang Nasyunal para sa mga Tanaueño.

Ito ay naglalayong maibsan ang kahirapan at umagapay sa mga kababayang lubos na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa ating bansa.

Source: City Government of Tanauan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *