Pormal nang sinimulan ang 18th Regional ALS Encampment for Out-of-School Youths/Adults sa probinsya ng Catanduanes nitong Mayo 20, 2024.
Aabot sa halos 2,000 ang partisipante nito mula sa iba’t ibang syudad at probinsya sa buong rehiyon ng Bicol.

Sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng isang parada na sinundan ng opening program na isinagawa sa Catanduanes Sports Complex.

Maliban sa sports at academic activities na nakatakdang gawin sa limang araw na encampment ay bibigyang pagkilala din ang mga regular ALS teachers na 10-35 years na sa serbisyo sa isasagawang fellowship/governor’s night kaparehong araw sa Twinrock Beach Resort. Ang aktibidad na ito ay magpapatuloy ito hanggang Biyernes, Mayo 24.
Source: Radyo Pilipinas Virac Catanduanes