Matagumpay na naipamahagi ang Php2.4 milyong halaga ng Agri-Inputs para sa mga magsasaka ng Mulanay, Quezon, sa pangunguna ng kanilang butihing Gobernadora Doktora Helen Tan.

Hindi naging hadlang ang matinding sikat ng araw upang masiguro ang paghahatid ng suporta sa mga masisipag na magsasaka na lubos na nangangailangan ng mga kagamitan para sa kanilang sakahan.

Bilang pangunahing hanapbuhay ng mga residente ng Mulanay ang pagsasaka ay malaking tulong na sa karamihan kung ang pangunahin nilang kailangan ay naihandog sa kanila ng libre.

Ang pamahalaan ay hindi tumitigil sa pagpapaabot ng tulong lalo na sa mga nasa laylayan, nagkakaisa ang gobyerno at ang mga kawani nito upang makapaghatid ng mas malawak na pamamahagi ng mga pangangilangan ng mga magsasaka.

Source: Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *